Jak Roberto alam ang diskarteng gagawin kapag nakasalubong ang ex-GF

Jak Roberto alam ang diskarteng gagawin kapag nakasalubong ang ex-GF

MANILA – Sakaling makasalubong niya ang dating girlfriend, handa ang aktor na si Jak Roberto sa gagawin.

“Depende sa memory ‘yan guys. Depende kung may closure,” wika ng Kapuso actor.

“Kung in good terms kayo, kung may closure naman kayo, kung friends naman kayo after ng pangyayari, simpleng kamustahan nalang, balita lang, kwentuhan tas casual lang,” dagdag pa niya.

Inamin naman ni Jak na mahirap lumapit at makipag-usap sa ex-girlfriend kung hindi maganda ang naging paghihiwalay.

“Pero I think kung may bad memory ka na sa taong ‘yun, kahit tanggap mo sa sarili mo o naka move on ka na, ang hirap i-approach,” paliwanag niya.

Aniya, mas maganda kung daanin muna sa simpleng kumustahan at kung hindi maganda ang reakisyon, maglaro na lang sa cellphone.

Sa ngayon, mahigit apat na taon na ang relasyon ni Jak sa aktres na si Barbie Forteza. (FC/MTVN)

Leave a Reply