Mayor Isko handa nang magpakauna ng Sinovac

Mayor Isko handa nang magpakauna ng Sinovac

Ni Jocelyn Domenden

MANILA — Handa nang magpaturok si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ng bakuna na Sinovac na gawa ng isang biopharmaceutical company ng China.

Ito ay kasunod ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) sa Emergency Use Authorization o EUA ng naturang bakuna.

Kasabay nito, agad na nagpatawag ng pagpupulong ang alkalde (nasa larawan) kasama ang buong Manila City Council (MCC) sa pangunguna ni Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan upang ihayag ang kanyang kahandaan para sa roll-out ng unang bakuna na available sa lungsod .

“Anuman ang bakuna, basta sertipikado at may EUA ng FDA, gagamitin natin. May karapatan kayong maging choosy. Pwede kayo maghintay ng bakunang type ninyo. Pero para sa akin, basta may EUA gagamitin po natin ” ayon sa alkalde. (AI/MTVN)

Leave a Reply