Sinovac may EUA na, pero di puwedeng iturok sa health workers dahil sa mababang efficacy rate

Sinovac may EUA na, pero di puwedeng iturok sa health workers dahil sa mababang efficacy rate

MANILA — Binigyan na ng Food and Drug Administration ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Sinovac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng China.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, may average efficacy ang Sinovac na 65.3 percent hanggang 91.2 percent at lower efficacy na 50.4 percent sa mga health workers na nabigyan nito sa Brazil.

Dahil sa mababang efficacy rate ng Sinovac, sinabi ni Domingo na hindi ito nirerekomendang gamitin sa health workers.

“As such, it is not recommended to use in this group,” sabi ni Domingo.

Para naman kay presidential spokesperson Harry Roque, wala nang hadlang sa pagdating ng 600,000 dose ng Sinovac na donasyon ng China sa bansa na gagamitin para masimulan na ang vaccination program ng pamahalaan.

“Natapos na po iyong huling hadlang para magamit natin ang Sinovac. Wala na pong matagal na delay para magsimula ang ating pagbabakuna,” wika ni Roque.

Aniya, darating na ang nasabing bakuna sa mga susunod na araw.

Ang Sinovac ang ikatlong bakuna na nabigyan ng EUA sa bansa, kasunod ang AstraZeneca ng UK at Pfizer-BioNTech ng US/Germany. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply