Tulong sa mga biktima ng ‘Auring’ tiniyak ng Palasyo

Tulong sa mga biktima ng ‘Auring’ tiniyak ng Palasyo

MANILA – Siniguro ng Malacañang sa publiko na bibigyan ng agarang tulong ang mga naapektuhan ng bagyong Auring.

“We are closely monitoring Tropical Storm ‘Auring’ and the communities on its track. The National Disaster Risk Reduction and Management Council and line government agencies have been providing relief and assistance to those affected,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

Sa ngayon, sinabi ni Roque na ang Department of Social Welfare and Development ay mayroong relief stockpiles at standby funds na aabot sa P1.2 bilyon sa Central Office, Field Offices at National Resource Operations Center.

Nakapagpuwesto na rin ang Department of Health ng kabuuang P19.5 milyong halaga ng gamot, medical supplies, health kits sa mga Centers for Health Development nito.

Nakapagpadala na rin ng deployable response groups (DRGs) ang Philippine Coast Guard sa mga apektadong lugar para makatulong sa paglilikas kasama ang mga lokal na pamahalaan.

Hinikayat naman ni Roque ang publiko na mag-ingat, lalo na ang mga nakatira sa mga naapektuhang lugar.

“We ask the public, especially residents of affected areas, to remain vigilant, be prepared and ready for possible evacuation in case their local authorities advise them to do so as a precautionary measure,” ani Roque. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply