Viray gun-for-hire member utas sa enkwentro sa Bulacan

Viray gun-for-hire member utas sa enkwentro sa Bulacan

MANILA — Patay ang isang myembro ng Viray Gun for Hire Group makaraang pumalag sa mga pulis na nagsilbi ng Search Warrant sa Barangay, Bubulong Malaki sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ang napatay na suspek na si Gilbert Cruz y Sayco, nasa hustong gulang sa Riverside 2 sa nabangit na lugar.

Nabatid na bitbit ng mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit ang search warrant na inisyu ni Branch 76 1st Vice Executive Judge Albert R. Fonacier.

Nakuha sa crime scene ang isang cal.45 at tig-3 magazine ng M16 at cal.45.

Ayon sa pinsan ng suspek, na kabilang sa notorious na member ng grupo, nago-operate sila sa 3rd District ng Bulacan, Nueva Ecija at Pampanga. (Thony D Arcenal/AI/MTVN)

Leave a Reply