1 patay, 2 nawawala sa Caraga dahil sa Auring –NDRRMC

1 patay, 2 nawawala sa Caraga dahil sa Auring –NDRRMC

MANILA – Isa katao ang patay habang dalawa ang nawawala sa Caraga Region dahil sa pananalasa ng “Auring,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa isang update, sinabi ng NDRRMC na kabuuang 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol ang naapektuhan ni “Auring”.

Lumikas sa kanilang mga tahanan ang 18,996 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, Eastern Visayas, Central Visayas, at Western Visayas dahil sa bagyo.

Sa Caraga at Davao Regions, nasa 60 bahay ang nawasak habang 180 ang bahagyang nasira.

May kabuuang 11 kalsada at dalawang tulay ang naapektuhan ng sama ng panahon sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, at Davao Regions, ayon sa NDRRMC.

Noong Lunes, ibinaba na ang Tropical Depression Auring bilang low pressure area (LPA). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply