14 guro nagpositibo sa COVID-19 sa Bohol

14 guro nagpositibo sa COVID-19 sa Bohol

TAGBILARAN CITY – Inilagay muna sa precautionary lockdown ang Dr. Cecilio Putong National High School (DCPNHS) matapos magpositibo ang 14 na guro nito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay principal Maurine Castano, ang lockdown ay tatagal ng 14 araw bilang bahagi ng pagkilos para mapigil ang pagkalat ng virus.

Karamihan sa mga nagpositibong guro ay mga nagtuturo sa Grade 7. Sampu sa kanila ay galing sa Tagbilaran habang ang iba naman ay mula sa mga katabing bayan.

Na-admit sa pribadong ospital ang isang guro, pito ang dinala sa quarantine facilities habang ang pito ay naka-isolate sa kanilang mga tahanan.

Ang mga nasabing guro ay dumadalo sa Learning Action Cell (LAC) session sa paaaralan at namamahagi rin ng modules para sa iba’t ibang antas sa mga itinakdang araw.

Paliwanag ni Castano, ang isang guro ay dumadalo ng LAC session isang beses kada linggo na tumatagal ng tatlong oras para tingnan ang teaching demonstration. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply