Alaska pinagpalit si Vic Manuel sa Phoenix para kay Brian Heruela

Alaska pinagpalit si Vic Manuel sa Phoenix para kay Brian Heruela

MANILA — Ipinagpalit ng Alaska ang beteranong power forward na si Vic Manuel sa Phoenix para sa point guard na si Brian Heruela at tatlong draft picks.

Inaprubahan ng PBA trade committee ang nasabing trade, kung saan isinama ng Aces ang kanilang first round (No. 7) at second-round pick (No. 7) sa darating na PBA Draft.

Maliban kay Heruela, pinadala rin ng Fuel Masters ang first-round pick (No. 6 galing Magnolia) at second-round pick (No. 4 galing NLEX) nito sa darating na Draft, kasama ang first-round pick nito sa susunod na taon.

Pupunuan ni Manuel ang papel na iniwan ni Calvin “The Beast” Abueva, na pinagpalit kamakailan ng Fuel Masters sa Magnolia para kay Chris Banchero.

Bago rito, sinabi ni Phoenix team manager Paolo Bugia na kaya nitong lampasan ang pagkawala ni Abueva sa tulong ng tambalan nina Matthew Wright at Banchero.

Para kay Bugia, makatutulong ang pagdating ni Banchero sa koponan, lalo na kay Wright.

Ayon kay Bugia, makakabalik na si Wright sa orihinal nitong posisyon na shooting guard habang si Banchero naman ang magtitimon ng opensa ng Fuel Masters. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply