Assunta de Rossi binalikan ang 19 taong paghihintay bago nagkaanak

Assunta de Rossi binalikan ang 19 taong paghihintay bago nagkaanak

MANILA – Apat na buwan matapos isilang ang kanyang anak na babae, binalikan ng aktres na si Assunta de Rossi ang 19 taon nilang paghihintay ng mister na si Jules Ledesma bago nagkaanak.

Sa isang panayam, sinabi ni Assunta na nasorpresa siya nang nalaman nagadadalantao siya matapos subukan ang iba’t ibang paraan.

“We were trying for so many years na, parang sabi ko nahihirapan na ako. So many things happened na also tapos with all the stress and kung ano man, we sought fertility treatments nung mga 2016,” wika ni Assunta.

“We decided na to go the scientific route, mag-in vitro na lang kami. Mutual decision naman iyon. Hindi nag succeed yung first time,” dagdag pa niya,

Binalak din ng mag-asawa na mag-abroad at ulitin ang in-vitrosa ibang bansa gaya ng Singapore, Taiwan o Estados Unidos ngunit nangyari ang COVID-19 pandemic.

Matapos magdiwang ng kanyang ika-37 kaarawan, doon napansin ni Assunta na hindi na siya dinadatnan.

“Nag Amanpulo kami nung 37th birthday ko. Pagbalik namin, a week later, nagpa-check up ako kasi nga delayed ako. Na-confirm that I was pregnant. Talagang nagulat kaming mag-asawa,” ani Assunta.

Inamin naman ni Assunta na nahihirapan siya sa pag-aalaga kay baby Julia, na kanyang isinilang noong Oktubre 23, 2020, dahil siya ang nakatutok dito buong araw.

“Since day one, sleep deprived na talaga ako. Nasasanay din pero there are times na ang hirap. You take it one day at a time talaga kasi if today okay ka, hindi guaranteed na okay ka rin tomorrow,” paliwanag pa ng aktres. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply