BFAR nagbabala sa pagkain ng nakakalasong alimasag sa Cagayan

BFAR nagbabala sa pagkain ng nakakalasong alimasag sa Cagayan

MANILA – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region II sa mga residente na huwag hulihin at kainin ang nakakalasong uri ng alimasag na pumatay ng dalawang bata noong nakaraang linggo sa Sta. Ana, Cagayan.

Ayon sa BFAR, may taglay na iba’t ibang toxins ang alimasag na kilala bilang Zosimus aeneus o devil reef crab. Kilala naman ito sa lugar bilang ““kurit”.

“Isa po siyang nakakalason na crab. Nagtataglay ito ng mga toxins, for example, neurotoxins, mayroon siya saxitoxin which is kapag nakain itong crab na ito ay talagang magdudulot po ng food poisoning,” wika ni BFAR Region II officer-in-charge Dr. Jefferson Soriano.

“Base kasi sa sinubmit sa ating samples, maaaring itong species na ito ay naihalo doon sa mga nakuha nila so hindi nila na-identify, na-distinguish itong crab na ito which is poisonous,” dagdag pa niya,

Aniya, kayang patayin ng lason mula sa “kurit” ang isang tao sa loob lang ng ilang oras.

Ito na ang ikalawang kaso ng food poisoning kaugnay ng pagkain ng lamang-dagat a bayan ng Sta. Ana.

“The last time is ‘yong ‘buging’ which is isang klase ng goby fish naman which is pareho lang silang nagtataglay ng lason,” wika pa ni Soriano. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply