Bird watching sa Candaba, Pampanga bawal muna dahil sa banta ng bird flu

Bird watching sa Candaba, Pampanga bawal muna dahil sa banta ng bird flu

MANILA – Nagpatupad ang lokal na pamahalaan ng Candaba, Pampanga ng tatlong araw na ban sa bird watching bilang bahagi ng pagkilos upang mapigil ang pagpasok ng bird flu H5N8 sa bansa.

Tatagal ang ban hanggang Miyerkules habang naghahanda ang lokal na pamahalaan ng protocol para mapigil ang pagkalat ng bird flu.

Ipinabatid na rin ng lokal na pamahalaan ang mga nag-aalaga ng itik ukol sa bird flu at pinayuhan silang mag-report kung may napansing kakaiba sa kanilang mga alaga.

“May task force dito para i-monitor at umiikot sila at kinakausap ang lahat na may itikan dito,” wika ni Candaba Mayor Rene Maglanque.

Dinarayo ang Candaba ng bird watchers dahil doon nakikita ang mga uri ng ibon mula sa mga bansang may malamig na temperatura.

Bago rito, iniulat ng Russia sa World Health Organization (WHO) ang unang kaso ng human transmission ng H5N8 strain ng bird flu. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply