COVID-19 UPDATE: 1,414 bagong kaso, 72 recoveries

COVID-19 UPDATE: 1,414 bagong kaso, 72 recoveries

MANILA — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,414 bagong kaso ngayong araw, kaya umakyat ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa sa 564,865.

May 72 katao na gumaling sa sakit, na nagdala sa bilang ng recoveries sa 522,941. May 16 katao naman ang pumanaw sa virus kay umabot na sa 12,107 ang death toll.

Sa ngayon, mayroon pang 29,817 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, plano ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na alisin na ang COVID-19 testing at iba pang hinihinging requirements para makabiyahe.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, plano na rin ng DILG na alisin ang travel authority at city health certificate. Sa halip, susuriin ang mga biyahero sa terminal na kanyang pinanggalingan at terminal ng pupuntahan.

Idinagdag pa ni Densing na kailangan lang sumailalim sa testing ay mga tao na symptomatic at mga itinuturing na close contact ng pasyenteng may COVID-19.

Ang pagkilos na ito’y bahagi ng pagnanais ng DILG at Department of Tourism na gawing simple ang mga patakaran sa pagbiyahe para muling mapalakas ang turismo ng bansa.

Kaso sa buong mundo

Sa buong mundo naman, umabot na sa 112,281,505 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, kung saan 87,817,785 na ang gumaling habang 2,485,874 naman ang pumanaw.

Sa 21,977,846 aktibong kaso, 21,884,506 ang nasa mild condition habang 93,340 naman ang kritikal ang kalagayan.

Una pa rin ang Estados Unidos sa bilang ng kaso na may 28,826,307 na sinusundan ng India (11,016,434), Brazil (10,197,531), Russia (4,177,330), UK (4,126,150), France (3,609,827), Spain (3,153,971), Italy (2,818,863), Turkey (2,646,526), at Germany (2,399,500). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply