DILG balak alisin ang swab test bilang requirement sa pagbiyahe

DILG balak alisin ang swab test bilang requirement sa pagbiyahe

MANILA – Kinokonsidera ng Department of the Interior and Local Government ang panukalang alisin na ang COVID-19 testing bilang requirement sa pagbiyahe.

“Tinitingnan rin namin ang posibilidad na wala na tayong testing,” wika ni DILG Undersecretary Epimaco Densing.

Idinagdag pa ni Densing na kailangan lang sumailalim sa testing ay mga tao na symptomatic at mga itinuturing na close contact ng pasyenteng may COVID-19.

“Kung ikaw ay walang ganung klaseng exposure, hindi po mandated talaga ang testing. Banggit po ng ating mga epidemiologists, as long as meron kang minimum health standards…95 percent po hindi po tayo makakapaghawa at hindi rin tayo mahahawa,” paliwanag ni Densing.

Ang pagkilos na ito’y bahagi ng pagnanais ng DILG at Department of Tourism na gawing simple ang mga patakaran sa pagbiyahe para muling mapalakas ang turismo ng bansa,

Maliban sa pag-alis ng COVID-19 testing, plano na rin ng DILG na alisin ang travel authority at city health certificate.

Sa halip, susuriin ang mga biyahero sa terminal na kanyang pinanggalingan at terminal ng pupuntahan.

Ayon kay Densing, ipinatutupad na ito ng Cebu, na hindi na humihingi ng negatibong test mula sa mga lokal na turista para makapasok sa lalawigan. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply