Higit 300 pamilya na biktima ng bagyong Ulysses hinatiran ng tulong ni Sen. Bong Go

Higit 300 pamilya na biktima ng bagyong Ulysses hinatiran ng tulong ni Sen. Bong Go

MANILA — Umaabot sa 370 ang bilang ng mga pamilya na biktima ng bagyong Ulysses ang nabigyan ng tulong sa bayan ng Pulilan Bulacan.

Personal na iniabot ni Senator Bong Go ang ibat-ibang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad na sinaksihan ng ilang mga local na opisyal sa nabangit na bayan.

Grocery, vitamins, facemask at face sheild ang tinanggap ng mga benepisyaryo bukod pa ang tig-P5,000 na tulong pinansiyal na mula naman sa Department of Social Welfare and Development.

Nagbigay rin ng ayuda ang Department of Trade and Industry, Department Agriculture, at Department of Health.

Samantala, may 25 na bisikleta at 25 computer tablets ang ipinaraffle sa mga na apektuhan ng nakaraang kalamidad. (AI/MTVN/Thony D Arcenal)

Leave a Reply