Maulan pa rin sa Metro Manila, ibang bahagi ng Luzon dahil sa LPA

Maulan pa rin sa Metro Manila, ibang bahagi ng Luzon dahil sa LPA

MANILA — Namataan ang low pressure area (LPA), na dating Tropical Depression Auring, kaninang alas-3 ng madaling araw sa layong 105 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.

Subalit sinabi ng PAGASA na mararamdaman pa rin ng epekto ng LPA sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Central Luzon, CALABARZON, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, at Camarines Norte kung saan maulap na panahon na may kasamang pag-ulan ang iiral.

Nagbabala ang PAGASA sa posibleng flash floods o landslides sa mga nabanggit na lugar dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, iiral naman ang amihan sa Ilocos Region at natitirang bahagi ng Cagayan Valley kung saan mararasan ang bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil sa localized thunderstorms kung saan posibleng magkaroon ng flash floods o landslides bunsod ng malakas na ulan.

Sumikat ang araw dakong alas-6:16 kaninang umaga at lulubog ito ng alas-6:03 ng gabi. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply