Mayor Isko susunod lang sa polisiya ni Pangulong Duterte

Mayor Isko susunod lang sa polisiya ni Pangulong Duterte

Ni Jocelyn Domenden

MANILA — Susunod lamang ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “no vaccine roll-out, no MGCQ policy.”

Naniniwala si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may darating na bakuna sa mga darating na araw o lingo at kapag nadeploy na ang mga bakuna kontra Covid-19, pupuwede nang magbukas ng magbukas ng negosyo.

Ayon pa kay Domagoso, kailangan gumawa ng agresibong polisiya, program at aksyon para muling buhayin ang ekonomiya at muling magkaroon ng komersyo upang magaroon din ng mas maraming trabaho lalo na sa mga apektado ng pandemya.

Dagdag pa ng alkalde, ang agresibong pagbubukas ng ekonomiya ay may kaakibat na agresibong pagbabantay.

Sa loob aniya ng 11 buwang kasanayan at karanasan na may virus sa buhay natin, marami na dapat ang natutunan kaya ang dapat na magiging polisisya ngayon ay “Buhay at Kabuhayan.”

Kaya sang-ayon ang alkalde na kapag may bakuna na, ay maaari nang mag-MGCQ.

Dagdag pa ng alkalde na lagi namang handa ang pamahalaang lungsod ng Maynila.

“We are always ready. Hindi lang natin syempre ma-quantify yung epekto at ayaw rin naman natin na maging bulagsa o pabaya as far as the city of Manila is concern since October hanggang ngayon nasa 300 level margin ang impeksyon sa Maynila,” wika pa ng alkalde.

Napangalagaan naman aniya ito sa kabila ng pagdiriwang ng Christmas, New Year, Poong Nazareno, pista ng Sto.Nino at iba pang aktibidad sa Maynila na patuloy na bukas sa mamamayan. (AI/MTVN)

Leave a Reply