Pacquiao: Pagtakbo bilang pangulo nakabatay sa kagustuhan ng Diyos

Pacquiao: Pagtakbo bilang pangulo nakabatay sa kagustuhan ng Diyos

MANILA – Iginiit ni Senador Manny Pacquiao na nakasalalay sa kagustuhan ng Diyos kung tatakbo siya bilang pangulo sa 2022.

“‘Yang pagiging Presidente po ay destined po iyan, ipagkakaloob ng Panginoon. Maraming nagsubok pero maraming nabigo,” wika ni Pacquiao sa isang panayam.

“Kung papayagan ng Panginoon ‘yan,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, nakatuon muna si Pacquiao sa paglilingkod sa taumbayan bilang senador.

“Ako naman ay nandito bilang senador, ginagampanan trabaho ko. Kaya siguro ako nandito dahil ‘di ko naman ito pinangarap mula noon. Nandito ako for a purpose and that purpose ay to be an inspiration to the Filipino people na maging isang halimbawa, ‘di lamang sa larangan ng boxing kundi sa larangan ng public service,” ani Pacquiao.

Sa bagong survey ng OCTA Research na ginawa mula Enero 26 hanggang Pebrero 1, nasa ikatlong puwesto si Pacquiao kasama si dating senador Bongbong Marcos sa pagkapresidente na may 12 porsiyento.

Una si Davao City Mayor Sara Duterte na may 22 porsiyento kasunod si Sen. Grace Poe na may 13 porsiyento. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply