Sara Duterte una pa rin sa presidential, VP survey ng OCTA Research

Sara Duterte una pa rin sa presidential, VP survey ng OCTA Research

MANILA – Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Sara Duterte sa survey ng OCTA Research para sa presidente at bise presidente sa darating na halalan.

Sa survey ng OCTA Research na ginawa mula Enero 26 hanggang Pebrero 1, nakakuha ang anak ni Pangulong Duterte ng 22 porsiyento sa survey para sa presidente.

Kasunod ni Duterte si Sen. Grace Poe na may 13%, Sen. Manny Pacquiao at dating Sen. Bongbong Marcos na may 12% bawat isa at Manila Mayor Isko Moreno na may11%. Nakakuha naman si Vice President Leni Robredo ng 5% sa independent survey.

Sa vice presidential race, nakakuha naman si Duterte ng 14%., kasunod sina Moreno at Pacquiao na may tig-11 porsiyento at Poe na may 10%.

Sa senatorial race, una si Pacquiao na may 57%, na sinusundan ni dating senador at ngayo’y Sorsogon Gov. Francis Escudero (53%) habang may 50% naman si dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Pasok sa “Magic 12” sina broadcaster Erwin Tulfo (47%), dating senador at Antique Rep. Loren Legarda (46%), Moreno (44%), Sen. Panfilo Lacson (43%), Marcos (42%), Sen. Juan Miguel Zubiri (40%), dating Sen. Jinggoy Estrada (37%), dating Sen. JV Ejercito (34%), at Sen. Sherwin Gatchalian (33%).

Nasa 1,200 respondents ang sumali sa Tugon ng Masa National Survey ng OCTA gamit ang face-to-face interviews. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply