600K dose ng Sinovac vaccines ibibyahe na sa Pilipinas

600K dose ng Sinovac vaccines ibibyahe na sa Pilipinas

MANILA – Inanunsiyo ng general manager ng Chinese company na Sinovac Biotech na handa nang ibiyahe patungong Pilipinas ang 600,000 doses ng COVID-19 vaccine na donasyon ng pamahalaan ng Tsina.

“The products are already there, we are managing the procedures of making the delivery and we will expect that [the] Philippines will be one of the important countries where we’re going to supply the products,” wika ni Helen Yang.

“I think it (the delivery) will be soon, we’re working hard to make it happen,” dagdag pa niya.

Noon pang Pebrero 23 inasahan ang pagdating ng nasabing bakuna ngunit naantala dahil ngayong linggo lang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization para sa Sinovac.

Hindi naman nirekomenda ng FDA ang paggamit ng bakuna sa health workers dahil sa mababang efficacy rate nito na 50.4 porsiyento ngunit mainam naman sa malusog na indibidwal na edad 18 anyos hanggang 59 anyos.

Ngunit nilinaw naman ni FDA chief Eric Domingo na maaaring magpabakuna ang health workers ng Sinovac kung gusto nila. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply