Angeline Quinto inamin na second love ang pagluluto, nais magbukas ng resto sa Pangasinan

Angeline Quinto inamin na second love ang pagluluto, nais magbukas ng resto sa Pangasinan

MANILA – Inamin ng singer na si Angeline Quinto na itinuturing niyang “second love” ang pagluluto, kasunod ng kanyang hilig sa pag-awit.

“Wala akong ibang mahal bukod sa pagkanta kung hindi ang pagluluto,” ani Quinto.

Ngayong natupad na ang kanyang pangarap na maging singer, target naman ni Angeline na makapagbukas ng restaurant sa Pangasinan.

Taga-Pangasinan ang kinikilalang ina ni Angeline na si Sylvia “Mama Bob” Quinto, na sumakabilang buhay kamakailan.

“Pangarap ko rin ang makapagpatayo kahit ng maliit na restoran sa Pangasinan,” ani Angeline, na nakikita ang sarili na mananatili sa Pangasinan kapag siya’y tumanda.

“Sinabi ko rin ito kay Mama Bob, noong buhay pa ang Mama Bob ko na kung magkakaroon ako ng sariling restaurant gusto ko sa Pangasinan itatayo, kasi doon ang hometown ng mama ko,’’ dagdag pa ng singer.

Kamakailan lang, pinasok ni Angeline ang pagbebenta ng chicken wings at face mask noong kasagsagan ng pandemya. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply