Comelec mahigpit sa pagsala sa bagong party-list groups — Abas

Comelec mahigpit sa pagsala sa bagong party-list groups — Abas

MANILA – Iginiit ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sheriff Abas na mananatiling mahigpit ang komisyon sa pagsala sa mga bagong aplikante para sa party-list bago sila mabigyan ng accreditation para sa darating na 2022 national at local elections.

“Doon naman sa kung hindi sila marginalized, hinihimay po talaga ng Comelec iyan at hindi po basta-basta kaming nag-a-approve o nag-a-accredit ng mga party-list,” wika ni Abas.

Ayon kay Abas, nasa 20 porsiyento lang ang inaprubahan ng poll body sa napakaraming aplikante para sa party list noong 2016 at 2019.

“As of last election, we have 160 party-list accredited and allowed to run and out of 160, 39 have been delisted recently, for two reasons: first, they did not win in the last two elections and second, they are inactive. So out of 160 minus 39 so we only have 121 accredited party-list,” paliwanag ni Abas.

Tumatanggap na ang Comelec ng aplikasyon para sa accreditation kaugnay ng May 9, 2022 national at local elections.

Samantala, sinabi ni Abas na umaasa ang Comelec na makakapaglabas sila ng mga panuntunan at protocols para sa kampanya bago ang huling bahagi ng taon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply