Duterte inakusahan ang NPA ng pagdukot sa mga bata

Duterte inakusahan ang NPA ng pagdukot sa mga bata

MANILA– Sa panibago niyang banat sa mga rebeldeng komunista, inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ng pagdukot sa mga bata.

Sa briefing sa Surigao del Sur, siinabi ni Duterte na inaagaw ng NPA ang mga bata sa kanilang pamilya at dinadala sila kung saan-saan.

“Itong mga NPA, kinukuha nila ‘yung mga anak, dinadala nila sa ibang lugar. Kunin ninyo ‘yung mga anak tapos isauli ninyo sa mga nanay at tatay because a child, a minor, should not be separated from the family home,” wika ni Duterte.

Ayon kay Duterte, hindi na kailangan ng search o arrest warrant basta’t may mga bata na kailangang iligtas,

“Puntahan mo sa loob, kuhanin mo ang mga bata, at isauli mo at the earliest opportunity,” giit niya,

Inakusahan din ni Duterte ang NPA ng pangongolekta ng buwis sa sinuman para masuportahan ang kanilang organisasyon. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply