Duterte muling iginiit na hindi tatakbo si Sara sa pagka-pangulo sa ’22

Duterte muling iginiit na hindi tatakbo si Sara sa pagka-pangulo sa ’22

MANILA – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-pangulo sa 2022 national elections.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos hikayatin ni Surigao del Sur Governor Alexander “Ayec” Pimentel si Duterte na kumbinsihin si Sara o si Senador Christopher “Bong” Go na tumakbo bilang pangulo para tuluy-tuloy ang programa ng gobyerno.

“Inday Sara is not running. I have really, really put my foot down. Naawa ako sa anak. Ang pulitika nito, kabababuyan,” wika ni Duterte.

Wala namang nabanggit si Duterte ukol sa mga plano ni Go sa darating na eleksiyon. Una nang sinabi ni Go na hindi siya tatakbo para sa mas mataas na puwesto.

Samantala, binalaan ni Duterte ang publiko laban kay dating Senador Antonio Trillianes III, na isa sa kanyang mga kritiko.

“Be careful of Trillianes. Be careful of Trillianes. magbantay kayo. He will sell you to the devil. ‘Pag yan ang naka-upo? Patay. Walang hiya yan, sa totoo lang,” wika ni Duterte. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply