Gabinete inutusan ni Duterte na asikasuhin ang rehabilitasyon ng mga lalawigang hinagupit ni ‘Auring’

Gabinete inutusan ni Duterte na asikasuhin ang rehabilitasyon ng mga lalawigang hinagupit ni ‘Auring’

MANILA – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng kanyang Gabinete na tutukan ang rehabilitasyon ng mga lalawigan na nasalanta ng bagyong Auring.

“Kindly address the problem… Give me a report of what you have done, just a memo para I can keep track, para hindi makalimutan,” wika ni Duterte.

Inutusan din ng Pangulo ang mga pinuno ng departamentong may kinalaman sa relief at rehabilitasyon na magpadala ng kinatawan sa Surigao del Sur kung hindi sila makabalik para pangunahan ang pagtulong sa lalawigan.

“You have one week to do it, all of you. Padala kayo dito, ‘pag may kulang, if there’s anything that needs to be fixed, do it, come back here. Kung ‘di kayo, send a competent, ‘wag ‘yong imbecile,” ani Duterte.

“If you cannot come back here at least send a representative who can work kasi I’m a very impatient man not because by design but kakaunti na lang kasi panahon ng pagka-presidente ko… Gusto ko ‘yong dapat gawin, gawin na kaagad,” dagdag pa ng Pangulo.

Bago rito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na may kabuuang 31,884 pamilya sa Caraga, Davao, Northern Mindanao, at Bicol Regions ang naapektuhan ng bagyo. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply