Health workers puwedeng magpabakuna ng Sinovac kung gusto nila, paglilinaw ng FDA

Health workers puwedeng magpabakuna ng Sinovac kung gusto nila, paglilinaw ng FDA

MANILA – Nilinaw ni Food and Drug Administration (FDA) chief Eric Domingo nitong Martes na puwedeng magpabakuna ang health workers ng COVID-19 vaccine na Sinovac kung gusto nila.

Ayon kay Domingo, rekomendasyon lang ang unang ibinigay ng FDA kung sa anong grupo hindi akmang gamitin ang Sinovac matapos nila itong bigyan ng emergency use authorization noong Martes.

“What we did was a recommendation… We don’t say that it’s not illegal or they’re not allowed to use it,” paliwanag ni Domingo.

“We just say, if they’re gonna use it, they should know that the efficacy rate for health workers treating COVID-19 patients is at 50%,” dagdag pa niya,

Ginawa ni Domingo ang paglilinaw matapos sabihin ng FDA na hindi nito nirerekomenda ang Sinovac para sa health workers na nagbabantay ng pasyenteng may COVID-19 dahl sa mababang efficacy rate nito na 50.4 porsiyento para sa nasabing grupo.

Ipinaliwanag ni Domingo na ang rekomendasyon ng FDA ay batay sa datos na isinumite ng Sinovac mula sa clinical trials nito.

Kinuwestiyon ng ilang mambabatas, kabilang sina Senador Kiko Pangilinan ar House Minority Leader Joseph Stephen Paduano, kung bakit binigyan ng FDA ng EUA ang Sinovac kung hindi naman ito rekomendado para sa health workers. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply