Maulap, maulan sa Northern Luzon dahil sa frontal system, amihan

Maulap, maulan sa Northern Luzon dahil sa frontal system, amihan

MANILA – Makakaapekto ang buntot ng frontal system sa silangang bahagi ng Northern Luzon habang amihan naman ang iiral sa natitirang bahagi ng Northern Luzon, ayon s PAGASA.

Maulap na kalangitan na may pag-ulan at thunderstorm ang iiral sa Cagayan, Isabela, Quirino at Aurora dahil sa buntot ng frontal system kung saan posibleng magkaroon ng flash floods o landslides bunsod ng malakas na ulan.

Sa Batanes at Babuyan Islands, maulap na kalangitan na may pag-ulan ang mararanasan dahil sa amihan.

Sa Cordillera Administrative Region at Ilocos Region, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil din sa amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil sa easterlies/localized thunderstorms kung saan posible ang flash floods o landslides dahil sa malakas na pag-ulan.

Sumikat ang araw dakong alas-6:16 kaninang umaga at lulubog ito ng alas-6:03 ng gabi. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply