Nograles walang alam sa pagbakuna kay Mon Tulfo at pang Cabinet execs ng puslit na COVID-19 vaccine

Nograles walang alam sa pagbakuna kay Mon Tulfo at pang Cabinet execs ng puslit na COVID-19 vaccine

MANILA – Walang nalalaman si Cabinet Secretary Karlo Nograles ukol sa pahayag ni special envoy to China Mon Tulfo na nagpaturok siya ng puslit na Sinopharm COVID-19 vaccines noong Oktubre ng nakaraang taon kasama ang ilang Cabinet-level officials at isang senador.

Unang ginawa ni Tulfo ang pag-amin sa kanyang kolum sa The Manila Times noong Linggo at sa panayam ng One News noong Martes.

Sinabi ni Tulfo na nakuha niya ang COVID-19 vaccine noong Oktubre ng nakaraang taon dahil nais niya itong subukan dahil nag-a-apply siya bilang distributor ng Sinopharm.

“I am not aware of that. Hindi namin napag-usapan sa Cabinet meeting. That is news to me,” wika ni Nograles.

“I really don’t know the details,” dagdag pa niya.

Nanindigan si Tulfo na hindi siya maaaring papanagutin dahil hindi siya opisyal ng gobyerno.

Sinabi rin ni Tulfo na alam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bakuna na itinurok sa kanya at sa iba pang opisyal ng pamahalaan.

“We have different agencies in charge of that. We leave it up to the agencies of government, if it is actionable,” ani Nograles.

Hanggang ngayon ay wala pa ring emergency use authorization (EUA) ang Sinopharm mula sa Food and Drug Administration (FDA). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply