Pangarap makapasok sa NBA ni Kai Sotto tumagilid matapos bitawan ng Team Ignite sa D League

Pangarap makapasok sa NBA ni Kai Sotto tumagilid matapos bitawan ng Team Ignite sa D League

MANILA — Tumagilid ang pangarap ni Kai Sotto na maging kauna-unahang Pinoy na makapasok sa NBA matapos siyang bitiwan ng Team Ignite, ang kanyang koponan sa NBA D League.

“Kai and the team both understood the challenges for him to rejoin Ignite given the current international travel constraints, quarantine times, and health and safety protocols,” wika ni NBA G League president Shareef Abdur-Rahim.

“Kai will always be part of the extended Ignite family and we wish him continued success as he pursues his NBA dreams,” dagdag pa niya.

Hindi nakasama si Sotto sa pagbubukas ng D League bubble nang magpasya itong bumalik ng Pilipinas para sumabak sa Gilas Pilipinas men’s national basketball team,

Subalit nasayang lang ang pag-uwi ni Sotto nang makansela ang 2021 FIBA Asia Cup qualifiers ngayong buwan.

Nagpasya si Sotto na bumalik sa Estados Unidos noong nakaraang linggo sa pag-asang makakapaglaro pa siya sa Team Ignite.

Ngunit nagsalita noon si Ignite head coach Brian Shaw na hindi niya hawak ang desisyon kung tatanggapin pa si Sotto sa koponan. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply