Rebel returnees bibigyan ng lupain, kabuhayan

Rebel returnees bibigyan ng lupain, kabuhayan

Ni Arwen Pascua

MANILA — Magkakaroon ng sariling lupain na bubungkalin at pagkukunan ng hanapbuhay ang mga rebeldeng susuko sa pamahalaan.

Ito ang isinasaad ng panukalang pagbuo ng Inter-Agency Task force na inirekomenda ng Department of Agrarian Reform (DAR) na inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Ang pagsang-ayon ng Punong Ehekutibo sa rekomendasyong pagbuo ng task force para sa relocation ng rebel returnees sa mga hindi nagagamit na lupain ng pamahalaan ay naganap sa pulong ng gabinete noong Lunes.
“Gusto po natin mapabilis ang pag-distribute nito dahil alam po natin na napakalaki ng role nito para sa ating peace efforts,” ayon kay Nograles sa virtual presser.

Sa record, nakapag-distribute na ang pamahalaan ng kabuuang 6,406.6 hectares ng lupain sa Cagayan Valley, Bicol Region, Eastern Visayas, at Davao Region.

Bukod sa pagbuo ng task force, inaprubahan din ng Pangulong Duterte ang panukala ng DAR na atasan ang militar at pulsiya na bigyan ng seguridad ang mga government-owned land (GOL) area na itinuturing na “critical in nature.”

Sinang-ayunan din ng Punong Ehekutibio ang rekomendasyon na bigyan ng direktiba ang mga government agency na tukuyin ang mga mga nakatenggalng pag-aari ng lupain para ipamahagi na lamang sa mga rebeldeng magsisisuko.

Maguguntiang noong Pebrero 5 ay nilagdaan ng Pangulong Duterte ang apat na proklamasyon na magbibigay ng amnestiya sa mga miyembro ng Moro National Liberation Front, Moro Islamic Liberation Front, at ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade.

Ang hakbang ng pangulo ay itinuturing na “whole of nation approach” para sa kapayapaan sa bansa. (AI/MTVN)

Leave a Reply