Sinovac COVID-19 vaccine ligtas para sa health workers, matatanda ayon sa GM nito

Sinovac COVID-19 vaccine ligtas para sa health workers, matatanda ayon sa GM nito

MANILA – Bagama’t iginagalang ng kompanya ang rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA), nanindigan ang general manager ng Sinovac Biotech na mabisa ang kanilang COVID-19 vaccine para sa health workers at matatanda.

Inaprubahan ng FDA ang COVID-19 vaccine ng Sinovac para sa emergency use, subalit hindi nito nirekomendang gamitin sa health workers na nag-aasikaso sa mga pasyenteng may COVID-19.

“We respect any announcement made by any government and their decision. I think that would be the balancing of whether the benefit overweigh the risk because this approval is under an emergency, so the research is still ongoing,” wika ni Sinovac Biotech General Manager Helen Yang said.

“I think more countries are sharing their view that the vaccine should be used on healthcare workers and elderlies. I think more data are coming out to be shared with the public,” dagdag pa niya.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, ang Sinovac ay may efficacy rate lang na 50.4 porsiyento kapag ginamit sa health care workers na nag-aasikaso ng pasyenteng may COVID-19.

“Therefore, it is not recommended for use in this group,” wika ni Domingo.

Ngunit sinabi ni Yang na patuloy pa rin nilang irerekomenda ang paggamit ng kanilang bakuna sa health workers at matatanda, hindi lang sa Pilipinas, kundi pati na sa ibang bansa. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply