COVID-19 update: 2,269 bagong kaso, 738 recoveries

COVID-19 update: 2,269 bagong kaso, 738 recoveries

MANILA — May naiulat na 2,269 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw (Huwebes, 25 Peb 2021) ayon sa Department of Health (DOH).

Nakapagtala naman ang DOH ng 738 recoveries kaya umakyat ang bilang ng recoveries sa 524,042.

May 72 katao naman ang pumanaw, na nagdala sa death toll sa 12,201.

Sa ngayon, may 32,437 pang aktibong kaso sa bansa.

Samantala, inaasahan ng Malacanang na darating sa bansa sa Linggo (28 Peb 2021) ang 600,000 dose ng COVID-19 vaccines ng Sinovac Biotech na donasyon ng China.

“Inaasahan na darating sa araw ng Linggo, itong Linggong ito, ang Sinovac. Kaya excited na tayong lahat,” wika ni presidential spokesperson Harry Roque.

Ayon kay Roque, isang araw lang ang kailangan para makapaghanda sa rollout ng bakuna kaya puwede na itong maipamahagi sa Lunes.

Kaso sa mundo

Sa buong mundo, umakyat na sa 113,123,466 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, 88,736,509 dito ay gumaling na habang 2,509,229 ang pumanaw.

Sa 21,877,728 aktibong kaso, 21,785,861 ay nasa mild condition habang 91,867 ay malala o kritikal.

Una pa rin ang Estados Unidos pagdating sa bilang ng kaso na may 28,974,623, kasunod ang India (11,046,914), Brazil (10,326,008), Russia (4,200,902), UK (4,144,577), France (3,661,410), Spain (3,170,644), Italy (2,848,564), Turkey (2,665,194), at Germany (2,416,037). (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply