3 ‘tulak’ timbog sa Montalban, Rizal

3 ‘tulak’ timbog sa Montalban, Rizal

By Rambo Labay

MANILA — Kalaboso ang tatlong (3) hinihinalaang drug pusher matapos na matimbog sa isinagawang buy-bust operation sa Blk 5 Lot 22 Alcantara Street, Montevista Subd. Litex, Brgy. San Jose, Rodriguez (Montalban), Rizal.

Kinilala ang mga suspek na sina Ailyn Darlucio y Florentino aka Alen; Vincent Orantoy y Bayot aka Vincent; at Dingco Lazarte y Ortiz aka Ike.

Ayon kay Rizal Provincial Police Office PCapt. Juan Carlo A. Porciuncula nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Rizal Police Provincial Office sa pakikipag-koordinasyon ng PDEA 4A na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16 pirasong transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang sa limang (5) gramo na nagkakahalaga ng P34,000; 1 pirasong Pouch; 1 pirasong P500 peso bill na ginamit bilang marked money; at 3 pirasong tig-P100 na perang narekober.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek. (AI/MTVN)

Leave a Reply