Fishing boat lumubog, 15 mangingisda nailigtas

Fishing boat lumubog, 15 mangingisda nailigtas

Ni Jocelyn Domenden

MANILA — Lumubog ang isang fishing boat habang nailigtas naman ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 mangingisda na sakay nito sa baybayin ng Surigao .

Ayon sa PCG, sinabi ng kapitan ng fishing boat na nakasagupa nila ang malalaking alon dahilan para masira at tuluyang lumubog ang kanilang lantsa.

Sila ay na-rescue ng dumadaang fishing boat na siyang tumawag naman sa PCG para sila ay matulungan.

Agad namang naglayag ang BRP Tubbataha (MRRV-4401) upang iligtas ang naturang mga mangingisda na binigyan ng atensyong medikal, pagkain at tubig bago sila i-turnover sa Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ng General Santos City.(AI/MTVN)

Leave a Reply