Health care workers giit na maturukan ng epektibo at libreng bakuna

Health care workers giit na maturukan ng epektibo at libreng bakuna

Ni Jocelyn Domenden

MANILA — Nanawagan ang mga healthcare workers na maturukan sila ng libreng COVID-19 vaccine na may “highest efficacy rate.”

Sa kanilang pagtitipon ngayong tanghali sa labas ng Philippine General Hospital (PGH), sinabi ng mga health care workers na ang kanilang pagkilos ay alinsunod na rin sa napipintong pagdating ng bakuna na Sinovac mula China ngayong Linggo.

Ang Sinovac na gawa ng China ay mayroon lamang 50.04 % efficacy rate ayon sa health experts.

Giit ng mga medical frontliners, kaligtasan nila ang nakasalalay dahil sila ang patuloy na lumalaban sa Covid-19.

Nakibahagi rito ang mga miyembro ng All UP workers Union ng UP-PGH at Bantay Bakuna-PGH.

Una na ring sinabi ng pamunuan ng PGH na inaasahan ng kanilang mga staff ay Pfizer ang kanilang matatanggap ngunit ayon sa mga health care workers, hindi naman usapin kung anong brand ang bakuna basta ligtas at mataas ang efficacy rate.

Iginiit din nila na magkaroon ng P1 milyong indemnification sa bawat health care workers na makararanas na side effects ng bakuna.

Naging payapa naman ang pagtitipon ng mga health care workers habang may nakabantay namang mga pulis. (AI/MTVN)

Leave a Reply