Healthcare workers ng PGH nag-rally, giit ang mas mabisang Covid-19 vaccine

Healthcare workers ng PGH nag-rally, giit ang mas mabisang Covid-19 vaccine

Nagprotesta ang ilang healthcare workers ng Philippine General Hospital (PGH) ngayong Biyernes upang igiit ang isang libre, ligtas, mas mabisa ng Covid-19 vaccine sa kanilang hanay. Isinagawa nila ang protesta sa may harap ng Philippine General Hospital Oblation Taft Avenue, Manila. Tahasang ipinagsigawan ng naturang health workers na ayaw nila bakunahan ng Sinovac vaccine dahil sa mababa nitong bisa. Inaasahang dumating ang may 600,000 dose ng Sinovac vaccine sa bansa ngayong Liggo, 28 Pebrero 2021. (KIARA LAUREN IBANEZ/AI/MTVN)

Leave a Reply