ISKO suportado ang “no age restriction policy” ng DOT sa mga parke para sa Family Day

ISKO suportado ang “no age restriction policy” ng DOT sa mga parke para sa Family Day

Ni Jocelyn Domenden

MANILA — Suportado ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day.”

Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa DZMM, sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa panahon ngayon.

“Of course, we want to support [domestic] tourism, lalo na ngayon. At least kahit papaano may madudulot na negosyo at trabaho ‘yan. If there is an open space, an alternative for the people to go to, we’ll support it.”pahayag ni Domagoso.

Una nang binuksan ang mga pasyalan sa Intramuros tulad ng Fort Santiago, Casa Manila Museum, at Baluarte de San Diego noong February 17, sa mga bisita na may edad 15 hanggang 65 taong gulang.

Gayunman, plano na rin ni DOT chief Bernadette Romulo-Puyat na buksan na ang mga parke sa lahat ng edad o ang “no age restriction policy.”

Paliwanag ng kalihim na mahalaga ang kahit na isang araw na exemptiom para sa pamilya kabilang ang senior citizens.

“Kasi ang turismo ay para sa pamilya, hindi lang for mga 15 to 65 years old,” saad ng kalihim.

“Let me take this opportunity na hikayatin ang ating mga kababayan na pumasyal kayo sa Intramuros. Kapag napasyal ka sa Intramuros noon kabahan ka, ngayon mas maaliwalas na. Malapit na rin mabuksan ang Metropolitan Theater sa April,” ayon naman sa alkalde.

Sinabi ng alkalde na suportado niya ang naturang hakbangin upang unti-unti nang mabuksan ang pampublikong espasyo dahil makakatulong ito upang palakasin ang ekonomiya ng lungsod. (AI/MTVN)

Leave a Reply