NBI PROBE SA ‘UNFORTUNATE SHOOTING INCIDENT’ SA COMMONWEALTH APRUB SA PNP AT PDEA

NBI PROBE SA ‘UNFORTUNATE SHOOTING INCIDENT’ SA COMMONWEALTH APRUB SA PNP AT PDEA

Ni Arwen Pascua

MANILA — Aprub sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parallel investigation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na barilan sa pagitan ng mga pulis at ahente ng PDEA sa labas ng isang mall noong Miyerkoles, Pebrero 24.

Magugunutang sa joint press conference ng PNP at PDEA sa Camp Crame noong Huwebes, sinabi ni PNP Chief PGen. Debold Sinas na ginagalang nila ang kautusan ng Department of Justice (DOJ) sa NBI bilang kapwa ahensya ng gobyerno na may kapangyarihan na mag-imbestiga.

Subalit binigyang diin ni Sinas na ang kanilang sariling imbestigasyon kasama ang PDEA ang kanilang bibigyan ng prayoridad.

Sa panig naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva, sinabi ng opisyal na hindi nila pipigilan ang third party investigator, basta’t hindi ito makahadlang sa imbestigasyon ng Joint PNP-PDEA Board of inquiry.

Nitong February 25, hindi pa rin malinaw sa PNP at PDEA ang mga kaganapan na humantong sa barilan sa pagitan ng kanilang mga tauhan na kapwa nagsasagawa ng lehitimong buy-bust operation nang maganap ang insidente.

Wala pa rin aniya silang maipakikitang ebidensiya sa anila’y lehitimong drup operation na kinalaunan ay mga tauhan pala nila ang nagsabong.

Nanawagan si Sinas na bigyan ng sapat na panahon ang Joint Board of Inquiry para pag-aralan muna ang lahat ng ebidensya sa isidente.

Una nang tumawag ng dalawang lider na unfortunate incident at hindi misencounter ang pangyayari na kumitil ng apat na buhay kabilang ang dalawang pulis, isang PDEA agent at civilian informant.

Nang tanungin kung gaano katagal, sinabi naman ni Villanueva na target nilang matapos ang imbestigasyon “as soon as possible” pero hindi naman nila gagawin na I-“railroad” ang resulta nito. (AI/MTVN)

Leave a Reply