Pinakamalaking bilang ng Covid-19 naitala ngayong Biyernes

Pinakamalaking bilang ng Covid-19 naitala ngayong Biyernes

MANILA — Naitala ng Department of Health ngayong araw, Biyernes ang pinakamataas na bilang sa loob ng isang araw sa kaso ng coronavirus mula noong Oktubre 2020.

Ang bilang na ito ay umabot sa 2,651 ngayong araw ng Biyernes (26 Pebrero 2021) na nagdala sa mga kaso ng COVID-19 sa 571,327 na pangkalahatang bilang.

Ang bilang ng mga namatay ay umakyat sa 12,247 matapos mapaulat na may 46 na mga pasyenteng pumanaw sa sakit na patuloy na nananalanta sa buong mundo.

Sa kabilang banda, ang mga gumaling o naka-recover sa Covid-19 ay umigkas sa 524,582 matapos maidagdag ang 561 additional recoveries.

Sinabi rin ng DOH na may 34,498 pang aktibong kaso sa buong bansa.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: http://www.doh.gov.ph/covid19tracker.

Samantala, ayon sa OCTA Research patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ngunit maaaring makatulong ang localized lockdowns para mapabagal ito.

Sa ulat nito noong Pebrero 25, sinabi ng independent research group na matapos umakyat ang bilang ng arawang kaso sa National Capital Region sa 719 noong Pebrero 22, bumaba ito sa 474 noong Pebrero 24.

Subalit patuloy naman ang pag-akyat ng reproduction number sa 1.32 mula sa 1.22 noong Pebrero 21.

“New cases in NCR are expected to increase at least in the short term,” wika ng OCTA.

“Positivity rate in NCR was 5% over the past seven days,” dagdag pa niya.

Ang reproduction number ay ang inaasahang bilang ng bagong impeksiyon na puwedeng maidulot ng isang indibidwal na may COVID-19 sa populasyon.

Ang reproduction number na 1 o mas mataas pa ay indikasyon ng patuloy na transmisyon ng virus.

Ang positivity rate ay porsiyento ng mga nagpopositibo sa lahat ng mga sinuri. (AI/FC/MTVN)

Leave a Reply