President Duterte labis-labis ang pasasalamat sa pagdating ng Sinovac vaccines

President Duterte labis-labis ang pasasalamat sa pagdating ng Sinovac vaccines

Ni Arwen Pascua

MANILA — Labis-labis ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China partikular na kay Chinese President Xi Jinping sa pagdating ng donasyong 600,000 doses ng Sinovac vaccines sa bansa bandang alas-4 ng hapon kahapon (28 Pebrero 2021) sa Villamor Air Base, Pasay City.

Personal na sinalubong nina Pangulong Duterte at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian kasama sina Health Secretary Francisco Duque, Vaccines Czar Carlito Galvez, Senator Bong Go. Navy Chief, Giovanni Bacordo at PNP Chief, Gen. Debold Sinas ang eroplanong may karga ng libo-libong doses ng bakuna.

Makaraang maibaba ang mga kahong-kahong bakuna ay ininabot ni Amb. Huang ang botelya ng bakuna kay Pangulong Dutere bilang symbolical turn over ng unang batch ng Sinovac vaccine.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Punong Ehekutibo ang China sa goodwill nito at itinuring na ang pagdating ng bakuna ang tatapos sa pandemya sa Pilipinas.

“These vaccines will end the pandemic in the Philippines, I convey my sincere gratitude to o the Chinese people,” ayon sa Pangulo.

Samantala, sa pagdating ng 600,000 doses ng Sinovac vaccines kahapon ay sumampa sa 576,352 ang mga tinamaan ng deadly virus sa Pilipinas kasunod ng bagong kaso na 2,113, Pebrero 28. (AI/MTVN)

Leave a Reply