Half-brother nina Robin, Rommel Padilla naghain ng petisyon sa SC upang ideklarang vice gov ng CamNor

Half-brother nina Robin, Rommel Padilla naghain ng petisyon sa SC upang ideklarang vice gov ng CamNor

Nagpasaklolo sa Supreme Court (SC) si Ricarte “Dong”Padilla, kandidato sa pagka-vice governor ng Camarines Norte kung saan siya’y naghain ng Writ of Mandamus laban sa Commission on Elections (Comelec).

Sinuportahan si Ricarte ng kanyang mga kapatid na si Robin at Rommel Padilla nang magtungo siya umaga ng Huwebes sa Korte Suprema para maghain ng petisyon sa Comelec na magtalaga ng nanalong vice governor sa Camarines Norte matapos na kanselahin ng Comelec Second Division ang certificate of candidacy ng kanyang nakalaban na si Jonah Pedro Pimentel na siyang nanalo sa nakalipas na 2019 midterm election.

Sanhi nito,naghain ng motion sa Comelec si Ricarte na siya ang ideklarang nanalo bilang vice governor pero hanggang sa ngayon ay hindi pa nagpapalabas ng desisyon ang Comelec.

Nalaman na nakabinbin sa Comelec En Banc ang mosyon ni Pimentel na lumamang lamang ng 1,760 na boto kay Ricarte na half brother ni Robin at Rommel. (KIARA LAUREN IBANEZ/AI/MTVN)

Leave a Reply