4 arestado sa buy-bust ng Valenzuela SDEU

4 arestado sa buy-bust ng Valenzuela SDEU

Arestado ng mga operatiba ng Valenzuela Police Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ang apat na suspect na sina Paulo Rejuzo, 26; Alexander Calub, 38; Richmon Laguna, 27; at Aeriel Vincent Corneta, 22 sa isang buy-bust operation sa Unit-4 Trinidad Building West Service Road, Paso De Blas, Valenzuela city nitong Sabado (06 March 2021). Nakumpiska sa kanila ang nasa apat (4) na gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P27,200.00 sa bentahang kalye; apat na cellphones, P500 buy-bust money, P590 cash at ilang drug paraphernalia. (AJ RABULAN/AI/MTVN)

Leave a Reply