Mandaluyong molecular diagnostic lab bukas na

Mandaluyong molecular diagnostic lab bukas na

MANILA — Mismong si Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang siyang nanguna sa isinagawang inaugural blessing ng Molecular Diagnostic Laboratory sa National Center for Mental Health (NCMH) ng lungsod na matatagpuan sa Barangay Mauway Mandaluyong City kasama sina DOH Assistant Regional Director Dr. Gloria Balboa.
Ang nagrepresenta ay si Dr. Maria Paz Corrales, NCMH Director Dr. Noel V. Reyes na humalili para kay Dr. Beverly A. Azucena of NCMH; City Health Office Head Dr. Alex Sta. Maria, MCMC Director Dr. Zaldy Carpeso at mga kawani ng City Health Department-City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ng alkalde ang mga kumpanya na tumulong kagaya ng San Miguel Corporation at BDO Foundation na nagbigay ng high-capacity COVID-19 machines, test kits at iba pang kagamitan sa laboratoryo.
Ang pamahalaang lungsod ang gumastos sa pagpapatayo ng gusali na umabot sa mahigit P22 million dagdag pa ni Abalos sa kanyang panayam sa mga mamamahayag.
Pinasalamatan din ni Mayor Abalos si NCMH Director Dr. Noel V. Reyes na siyang nag-alok ng lupa para pagtayuan ng molecular laboratory, kasama na rin ang Medical personnel at ilang empleyedo na siyang mangangasiwa sa COVID -19 testing at sa nasabing laboratoryo.
Ayon pa sa alkalde, sakaling matapos na ang pandemya sa bansa, maaari pa ring gamitin ang molecular lab sa mga may HIV cases at iba pang may kahalintulad na sakit.
Ang molecular laboratory ay may Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) equipment na makakapag-test ng mga specimens.
Malaking tulong ito sa COVID-19 response ng lungsod upang mas mapabilis at mapadali ang pagte-test sa mga mamamayan.
Magkakaroon din diumano ng parallel testing para sa pagbibigay ng permit at accreditation ng Department of Health, ayon pa sa Alkalde.
Sinabi pa ni Abalos na ang pasilidad ay bukas din para sa mga residente na naninirahan sa karatig na lugar ng Mandaluyong City pero, siyempre, prioridad pa rin ang mga taga- lungsod ng Mandaluyong. (Art Son/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply