Mga menor de edad bawal lumabas ng 2 linggo sa Metro Manila

Mga menor de edad bawal lumabas ng 2 linggo sa Metro Manila

Alinsunod sa kautusan ng Metro Manila Council at Metro Manila Development Authority (MMDA), simula kahapon, Miyerkules, March 17, 2021, ay ipinagbabawal ang mga menor de edad o edad-17 pababa na lumabas ng kanilang bahay sa loob ng dalawang linggo sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng Covid-19.
Ang Quezon City ay mayroong City Ordinance No. SP-2985, S-2020, o ang “Quezon City Special Protection of Children against COVID-19” na inaabisuhan ang lahat ng menor de edad na manatili lamang sa kanilang bahay sa gitna ng pandemya.
Papatawan ng multa ang mga lalabag na magulang o tagapag-alaga ng bata, at mga establisimyento na mahuhuling lalabag Dito.
(Art Son/BENJAMIN CUARESMA/AI/MTVN)

Leave a Reply