Patutsada ni Mon Tulfo na bakunado na siya sinagot ni Sinas

Patutsada ni Mon Tulfo na bakunado na siya sinagot ni Sinas

Ni Arwen Pascua

MANILA — Hindi direktang itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas na nagpabakuna na siya kontra COVID-19 noong Nobyembre 2020.
Sa halip, ang nagpadala lamang ng isang linya o sentence sa pamamagitan ng kaniyang tagapasalita na si PBGen. Ildebrandi Usana na nagsasabing kung nabakunahan na siya ay hindi na sana siya nagpositibo sa COVID-19.

“Our Chief simply said that if he had his vaccine, he could not have been infected with COVID-19,” ayon kay Usana.

Ang pahayag ay kasunod ng nakasaad sa kolum ng veteran media practitioner at dating Envoy to China na si Mon Tulfo na nagsabing nabakunahan na si Sinas noon pang isang taon gamit ang smuggled Sinopharm vaccines.

Ayon pa sa kolum ni Tulfo, kasabay niya si Sinas at mga tauhan ng Presidential Security Group nang mabakunahan ng umano’y smuggled Sinopharm vaccine.

Magugunitang noong Marso 11 ay natanggap ni Sinas ang swab result niya na nagsasabing positibo siya sa COVID-19.

Nasa command visit sa Mindoro si Sinas nang matanggap ang positive result at agad bumalik sa Metro Manila para mag-isolate sa Kiangan facility and treatment sa loob ng Camp Crame.

Sinabi ni Usana na asymptomatic si Sinas at maayos naman ang lagay nito habang nasa isolation. (AI/MTVN)

Leave a Reply