P6.8M shabu timbog sa Caloocan City

P6.8M shabu timbog sa Caloocan City

TIMBOG sa mga operatiba ng Caloocan Warriors ng Station Drug Enforcement Unit ang drug trafficking suspek na si Hadji Karim (36) matapos pagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa kahabaan ng Riverside, Phase 12, Brgy. 188, Tala, Caloocan City. Nakuha sa suspek ang aabot sa 1 kilong pinaghihinalaang shabu na may DDB standard price P6,800 at mahaharap sa kasong Violation of Sec. 5, at Sec. 11 Art. ll ng R.A 9165. (Aj Rabulan|BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply