Philtram nagbabala ng 2 linggong pagkagutom sa likod ng panibagong public transport policies

Philtram nagbabala ng 2 linggong pagkagutom sa likod ng panibagong public transport policies

MANILA — Nagbabala ang Philippine Transport Monitor o Philtram ng dalawang (2) linggong pagkagutom ng mga tsuper at kanilang pamilya sa likod ng panibagong transport policies na ibinaba ng Department of Transportation at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa gitna ng tumitinding kaso ng coronavirus.

Kaalinsabay nito ay ang panawagan ng grupo ng mabigyan sila ng ayuda upang makabawas diumano sa nararanasan nilang kahirapan.

“Dalawang linggo na naman ng tiyak na pagkaguton ang ibig sabihin nito para sa aming hanay pati rin ang ating mga workers na hirap na. Panawagan sa gobyerno na mabigyan ng ayuda ang sektor ng mamamayang ito. Lalo na ang ating mga pumapasada. Gamitin nila ang mga inpormasyon na nakuha ng DSWD, municipyo at syudad na pamunuan. Makabawas naman sa kahira pang nararanasan na naman. Diyos natin.😷,” sabi ng Philtrams sa isang press statement.

Kamakailan, mariing tinutulan din ng Philtram ang pagpapatupad ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Land Transportation Office ( LTO) na diumano ay walang isinagawang konsultasyon sa publiko hindi angkop sa gitna ng virus crisis.

“Bakit kung kailan panahon ng pandemya pilit na isinusubo sa mga morista ang MVIS inspection na napakamahal ng singil? Hinahabol ba nila ang ipinangakong return of investment within five years sa mga negosyante at pulitiko na operators ng mga ito?” tanong ni Philtram chairman Mario “Aio” Bautista.

Ayon sa bagong polisiya ng DOTr-IATF-MEID sa pagbiyahe papunta at palabas ng Metro Manila sa gitna ng lumalalang kaso ng Covid-19 sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Narito ang kabuuan ng mga polisiyang may kinalaman sa pampublikong transportasyon na kailangang tandaan at sundin ng ating mga kababayan alinsunod sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque:

  1. Bawal ang pagbiyahe papunta at palabas ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, maliban na lamang kung ikaw ay kabilang sa mga sumusunod na Authorized Persons Outside their Residences (APOR):

a) Essential workers (kailangan lamang nilang ipakita ang kanilang ID);

b) Health and emergency frontline services personnel;

c) Mga opisyal ng gobyerno at iba pang government frontline personnel;

d) Mga otorisadong manggagawa na nagbibigay ng humanitarian assistance;

e) Mga kailangang bumiyahe para sa medical at humanitarian na pangangailangan;

f) Mga tutungo ng paliparan para sa essential travel abroad;

g) Mga tatawid sa mga bayan dahil sa trabaho/negosyo o uuwi sa kani-kanilang tirahan; at,

h) Returning Overseas Filipinos (ROFs) at mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ang mga indibidwal na uuwi sa kani-kanilang tirahan mula sa bakasyon ay itinuturing na essential traveler, at papayagang makabiyahe pauwi, basta’t magpakita lamang ng anumang ID o dokumento bilang patunay na siya ay lehitimong nakatira sa lugar na uuwian.

  1. Hindi magbabago ang kasalukuyang ipinatutupad na transport capacity sa mga pampublikong transportasyon. Hinihikayat ang publiko na magbisikleta o maglakad.
  2. Mahigpit din na pinaalalahanan ang mga commuter na sundin ang mga health protocols sa mga pampublikong transportasyon. (AI/MTVN)

Leave a Reply