2 marijuana peddlers timbog sa Caloocan City

2 marijuana peddlers timbog sa Caloocan City

ARESTADO ng mga operatiba ng Northern Police District- Disctrict Drug Enforcement Unit ( NPD-DDEU) ang dalawang drug suspek na sina Jerich Frane Hernandez (19) at Lloyd Paloyo (21) matapos ang ikinasanang buy-bust operation sa parking lot ng Victory Mall, Caloocan City.
Nakumpiska sa kanila ang aabot sa tatlong (3) kilong pinaghihinalaang pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price na P360,000 at mahaharap sa mga kasong Violation of Sec 5. (Sale of Dangerous Drugs), Sec. 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Sec. 26 (Conspiracy) under Art. ll ng Republic Act 9165.
(Aj Rabulan/BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply