2nd batch ng 400K Chinese donated Sinovac doses dumating na

2nd batch ng 400K Chinese donated Sinovac doses dumating na

Ni Arwen Pascua

MANILA — Lumapag na sa Aquino International Airport Terminal 2 sa Pasay City dakong alas-6:50 kaninang umaga ng Miyerkules (24 March 2021) ang Philippine Airlines B777 galing Beijing, China na may lulang 400,000 doses ng Sinovac Vaccines.

Ang nasabing bakuna ay bahagi ng donasyon ng China sa Filipinas.

Kabilang sa matataas sumalubong sa donasyong covax ay sina
Health Secretary Francisco Duque III, National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Senator Christopher “Bong” Go at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Dumalo rin sa welcome ceremony sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Noong Marso 28 ay natanggap ng Filipinas ang 600,000 doses ng Sinovac vaccines, ang unang batch ng donasyon ng China. (AI|MTVN)

Leave a Reply