QC Covid-19 vaccination rollout patuloy

QC Covid-19 vaccination rollout patuloy

Patuloy ang pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa Quezon City police, healthcare workers at iba pang kawani ng lungsod sa mga itinalagang vaccination site ng lungsod at personal na in-obserbahan ang proseso ng pagbabakuna mula registration hanggang post-vaccination monitoring ng mga kinauukulan.
Kasalukuyan ding ginaganap ang pagbabakuna sa vaccination sites sa anim na distrito ng QC.
Target ng City Health Department na mabakunahan ang aabot sa 6,000 na frontliners kabilang na ang healthcare workers sa mga pampubliko at pribadong clinic, diagnostic laboratories, at mga front-liner mula sa mga pasilidad tulad ng home for the aged at rehabilitation centers mula Lunes hanggang Mierkules.
Kasama rin sa mga bibigyan ng unang dose ng COVID-19 vaccine ang mga miyembro ng Barangay Health Emergency Respose Team (BHERT). (Art Son/BENJAMIN CUARESMA|AI|MTVN)

Leave a Reply