Sinas balik-trabaho na

Sinas balik-trabaho na

Ni Arwen Pascua

MANILA — Balik-trabaho na si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas matapos makumpleto ang kanyang dalawang linggong quarantine.

Si Sinas ay nagpositibo sa COVID-19 noong Marso 11.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Ildebrandi Usana, tumanggap ng pag-uulat si Sinas kaugnay ng estado ng kampanya ng PNP na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19 sa kanilang hanay.

Habang nasa quarantine si Gen. Sinas, si PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Guillermo Eleazar ang tumayong Officer in Charge ng PNP.

Magugunitang noong isang linggo ay binalikan ng PNP ang health protocols na isinagawa sa panahon ng dalawang dating PNP Chiefs na sina Ret. Gen. Archie Gamboa at Ret. Gen. at ngayon Malacanang Undersecretary Camilo Pancratius Cascolan, na unang komander ng Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) habang si Lt. Gen. Guillermo Eleazar naman ang komander ng JTF Covid19 Shield.

Noong October 2020, na nasa general community quarantine pa, ang active cases sa PNP ay nasa 929 lamang.

Sa pag-upo ni Sinas, bilang pagsunod kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawing normal na ang programa ay nagkaroon na ng formation kapag may flag-raising ceremony.

Kanina nya inanunsiyo ang pagbabalik sa normal pati ang 100 percent attendance sa opisina.

Noong Nobrembre 15, 2020 ang una niyang pagdalo sa flag-raising bilang ika-25 PNP chief. (AI|MTVN)

Leave a Reply